Sabado, Hunyo 7, 2014

Para sa mga Gragraduate, Sa mga nagloko at sa mga Dropout

Ang graduation ay parang ilog na may falls sa dulo, kac pagkatapos mo sa pagaaral di mo alam kung ano ang lalagpakan mo pagkatapos ng graduation, pwede mong maranasan ung malungkot, sweet, maalat, maasim maantot at iba pa tulad din ng falls na makakalapag ka ba sa ibaba ng maayos, sira na ba ang loob mo, may tagos na ang bangka at di na pwedeng makausad sa susunod na daloy ng buhay. sa graduation bigla mong maaalala ung mga awkward moment mo, ung pagkatisod sa daan, pagkadapa, napagalitan dahil sa kakatsismis, bumagsak sa PSYCHOLOGY TEST at higit sa lahat ung binasted ni special someone sa higit na apat taon na sa pag aaral Matatapos na ang pagbili, pag hingi at pamimigay ng yellow paper, matatapos na ang pagpapaxerox mo ng limpak limpak na reviewer na hindi mo pa nababasa hanggang ngayon, matatapos na ang pagkain mo ng iyong sariling layaw sa kakanguya mo ng bebel gum tuwing klase, matatapos na rin ang kalbaryo mo bilang TEACHER's PET , TEACHER's ENEMY at TEACHER's FRIEND, matatapos na ang pakikipagdebate mo sa kaibigan mong talsik laway at higit sa lahat matatapos na rin ang pagsosolve mo ng Finding X and Y. Masaya ang Graduation kac makakasoot ka na ng TOGA,pero ,Malungkot dahil hindi ka na pwedeng humingi ng pambili ng shampoo, Deodorant, Gatsby Wax, Colgate etsetera etsera. hindi ka na rin makakahingi ng baon mo, pamasahe papunta sa shuta mo, hindi ka na rin pwedeng magcutting class kac tapos mo na ang pag aaral mo. Salamat at matatapos na rin ang apat na taon bilang studyante pero hindi pa pala ito tapos kase bagsak parin natin ay bilang estudyante pero hindi na natin pagaaralan ang table of element, finding the square root of 7, tyaka hinding hindi na natin hahanapin ang X at tatanongin ang Y. Ang pag aaralan na natin ay pano mabuhay sa mundong ibabaw ng walang tulong ng iyong mga magulang, pano tayo kakain ng tatlong beses sa isang araw, pano natin lulunukin ang kanin na bili ng ating tatay, pano natin iaaply ang cartesian plane sa pagbubukid at higit sa lahat paano humanap ng trabaho.